Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jay Sonza

Mga tumatalak, nagrereklamo kay Jay Sonza napahiya

HATAWAN
ni Ed de Leon

LIGTAS na sa hoyo si Jay Sonza,  matapos ibasura ng korte ang mga kasong isinampa laban sa kanya. Aba eh ni isa raw sa mga nagdemanda ay walang sumipot sa hearing. Ano nga ba ang gagawin ng husgado sa ganoon. 

Sabik na sabik pa naman sa balita ang mga kalaban niya at hinuhulaan na kung ilang taon siyang makukulong. Ngayon ayos kayo dahil tiyak iyan babanatan kayong lahat oras na magbalik na iyan sa pagba-blog. Mahirap iyong pangungunahan mo ang kaso dahil hindi mo pa alam ang kalalabasan niyon eh. Kung minsan iyang mga vlogger, sa paghahangad ding marami silang maakit na manood sa kanila at nang malimusan naman sila sa kinikita ng mga social media platforms sa mga commercial ng fake na gamot sa diabetes, rayuma at kung ano-ano pa. Talagang nagpapa-kontrobersiyal sila kahit wala namang dahilan.

Ngayon napahiya sila, pero siympre may lusot sila riyan, dahil hindi mo nga naman masasabing hindi totoo ang kasong estafa at large scale illegal recruitment laban kay Jay. Hindi nga lang sumipot ang mga nagdemanda sa mismong hearing ng kaso. Iyong mga vlogger na abogado na akala mo sila ang judge kung magsalita, mga abogadong walang kaso iyan kaya nagba-vlog na lang. Kung may mga kaso bang hawak iyang mga iyan, magagawa pa nilang mag-vlog?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …