Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
RS Francisco Pedro Pete Cecille Bravo

RS Francisco nag-birthday sa Rancho Bravo Natural Farming

MATABIL
ni John Fontanilla

MASAYA at memorable para sa actor at  CEO & President ng Frontrow na si RS Francisco ang birthday celebration niya sa nagpakagandang Rancho Bravo Natural Farming sa Teresa, Rizal na pag-aari nina  Pedro Pete at Cecille Bravo.

Hindi nga sana magdiriwang ng kanyang kaarawan si RS pero kinausap ito ng matalik na kaibigang si Cecille na sa farm na nila ito mag-celebrate ng kanyang birthday at hindi na nga ito nakatanggi.

Kaarawan si RS noong Aug. 8 pero nag-celebrate ito sa Rancho Bravo Natural Farming noong Aug. 11 at nag-stay hanggang Aug. 14 ng umaga kasama ang malalapit na kaibigan.

Nagpapasalamat si RS sa mag-asawang Cecille at Pedro Pete at sa pamilya nito, maging kina Raoul Barbosa at Jeffrey Dizon na siyang nag-organize ng party.

Dumalo rin at nakisaya si Sephy Francisco.

Nagmistulang bakasyon na rin iyon kay RS na sobrang busy sa trabaho at sa pagtulong sa mga kapwa Filipino na nangangailangan ng tulong sa pamamagitan ng Frontrow Cares.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Virginia Rodriguez Leave Nobody Hungry Foundation

Ms. Virginia Rodriguez, nakatutok sa Leave Nobody Hungry Foundation

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO si Ms. Virginia Rodriguez – president at chairperson ng …

Tuesday Vargas

Tuesday Vargas talento ibinabahagi habang naglalayag sa dagat

HARD TALKni Pilar Mateo MUKHANG umiingay ngayon ang sea cruises. O paglalayag sa dagat. Napakarami …

Angelica Panganiban The Silent Noise

Angelica ramdam bigat ng bawat eksena habang ginagawa ang The Silent Noise

ni ALLAN SANCON STAR studded ang katatapos na Blue Carpet Premiere ng bagong seryeng The Silent …

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …