Sunday , December 22 2024
Rosmar

Mga kanta ni Rosmar trending

MATABIL
ni John Fontanilla

MULA sa pagiging sikat na influencer, part time actress, at matagumpay na negosyante, ngayo’y recording artist si Rosmar Tan at ang kanyang mister na si Nathan Pamulaklakin.

Hindi nga lang isa kung hindi dalawa ang kanta ni Rosmar na siya mismo ang nag-compose, ang Manalamin at Utang.

Ayon kay Rosmar nabuo niya ang kanta dahil sa kanyang mga basher.

“’Yung mga basher ko po at mga taong  nangmamaliit sa akin ang naging inspirasyon ko kaya nabuo ko ‘yung kanta.

“Para sa kanila talaga ‘yung mga song na ‘Manalamin’ at ‘Utang.’

“Ako ‘yung gumawa ng lyrics at tinulungan naman ako ni Rusty  sa music.

“Kasama ko sa mga song ‘yung very supportive kong husband na si Nathan, siya talaga ‘yung kumakanta ako tsamba- tsamba lang ha ha ha.”

Masaya si Rosmar dahil mataas na ang views ng kanyang mga song na uploaded sa kanyang Youtube Channel na ang kantang Manalamin ay umabot na sa 3.2 Million views, habang 600k plus naman ang kantang Utang.

Trending na rin sa Tiktok at Facebook ang kanta ni Rosmar na kinakanta na rin ng mga bata, teenager  at matatanda.

About John Fontanilla

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …