Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos

Ate Vi fresh pa rin kahit nilalanggam na ang mga kasabayan

HATAWAN
ni Ed de Leon

NANG makita namin noong isang araw ang picture ni Ate Vi (Ms Vilma Santos) ang agad naming naalala ay iyong pelikula niya noong 80’s na Baby Tsina. 

Ang role niya sa pelikulang iyon ay isang batambatang GRO sa isang night club na itinuring na pinakamaganda, pero na-involved sa isang krimen at nahatulan ng parusang kamatayan. Mabuti na nga lang at kalaunan ay may mga lumabas na bagong ebidensiya kaya hindi natuloy ang pagbitay sa tunay na Baby Tsina at napalaya sa kulungan.

Doon sa nakita naming picture ni Ate Vi, blonde ang kanyang buhok at batam-bata ang hitsura talaga.

Mukha siya talagang OFW, bagay na bagay sa kanyang role sa When I Met You in Tokyo. Marami na ang naghihintay sa pelikulang iyan pero mukhang maghihintay pa nga tayo ng Metro Manila Film Festival (MMFF)na gusto iyong isali ng producers ng pelikula.

Pero walang halong biro, gandang-ganda kami kay Ate VI sa ayos niya sa picture na iyon. Kung hindi nga lang kami kasali at gumawa ng research para sa kanyang 60th year bilang artista, maniniwala na kaming 37 nga siya. Isipin ninyo si Ate Vi, ganyan pa ang hitsura samantalang ang ibang kasabayan niya mukhang nilalanggam na.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …