HATAWAN
ni Ed de Leon
“MEDYO nakakapagod din,” ang sabi ni Sam Milby tungkol sa pag-aayos niya ng nalalapit nilang kasal ng dating Miss Universe na si Catriona Gray.
Wala naman siyang sinabi kung kailan nila balak na magpakasal, pero naghahanda nga siya baka malapit na rin.
Si Sam naman ay agad na nanligaw kay Catriona matapos na iyon ay makipag-split sa kanyang dating boyfriend na si Clint Bondad. Si Clint naman ay nag-abroad at ini-link sa transgender na si Jakkaphong “Anne” Jakrajutatip, na ngayon ay siyang may-ari ng Miss Universe.
Pero wala maman daw relasyon sina Clint at Anne at sinasabing tinulungan lang niya si Clint na makapag-model sa kanilang bayan.