Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Klinton Start

Klinton ayaw muna mag-teleserye

MATABIL
ni John Fontanilla

Lie low muna sa showbiz si Klinton Start at gusto munang mag-focus sa kanyang pag-aaral.

Huling napanood si Klinton sa Marriage Broken Vow bilang si Macky, ang bully ni Gio na ginagampan naman ng dating child star na si Zaijian Jaranilla.

Medyo bumaba raw kasi ang grades ni Klinton noon sa sunod-sunod na tapings kaya naman nabahala ito, at doon na nagdesisyon na mag-focus muna sa pag-aaral.

Thankful nga ito sa kanyang guardians na sina Ann Malig Dizon at Haye Start dahil naiintindihan at suportado ang kanyang desisyon.

Makakasama nga dapat ito sa isang malaking teleserye, pero tinanggihan nito dahil buo na ang kanyang desisyon na studies muna at saka na ang showbiz.

Open naman ito sa pagtanggap ng mga tv guestings, mall at out of town shows, pero no way muna sa pagtanggap ng teleserye.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …