HATAWAN
ni Ed de Leon
HINDI pala ang mayamang realtor ang nagbigay ng kotse ng male starlet kundi isang matandang matrona na nagsasabing siya ay dating model at singer.
Naamoy na raw kasi ng mayamang realtor na ang male starlet ay nagsusuot din ng pulang kapa.
Ang pakilala ng male starlet, ang matrona ay tita niya, pero nang minsang magkagalit sila at nagbanta ang matrona na babawiin ang ibinigay na sports car.
Sinabi ng male starlet, “bayad na iyon dahil sa ginagawa kong serbisyo sa iyo gabi-gabi.”
Anong serrbisyo kaya anga ginagawa niya para sa tita niya?
Hindi nga kaya tuluyang bawiin ng matrona ang kotse kung malalaman niyang ang male starlet ay bading din pala at may syotang taga-showbusiness din? Na iyon ay mayroon pang mga picture at videos habang nakikipag-sex sa kapwa niya lalaki.