Sunday , November 17 2024
EAT TVJ

E.A.T. ibinalibag muli ang Eat Bulaga, It’s Showtime

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAKALAMANG ang mga Jalosjos nang pinayagang i-extend ng IPO Phil ang registration ng trademark ng Eat Bulaga sa kanilang pangalan ng 10 taon pa. Pero kasabay niyon ay lalo naman silang ibinalibag sa ratings ng E.A.T. ng TVJ sa TV5

Sinasabing sa hearing noon ay hindi pinahintulutan si dating Sen Tito Sotto na magbigay ng testimonya matapos iyong tutulan ng abogado ng TAPE Inc. dahil umano sa hindi pagpapadala ng dating senador ng Judicial affidavit na hinihingi ng korte bago ang testimonya. 

Sinabi naman ng dating senador na may desisyon ang Supereme Court na kung hindi  magsumite ng judicial affidavit ay hindi ka na maaaring magsumite pa niyon pero hindi ipinagbawal ng Korte Suprema ang pagtayo bilang testigo. Gayunman sinasabi ngang iyan ay trade mark registration pa lang at diringgin pa ang kaso sa kung sino ang tunay na may-ari ng titulong Eat Bulaga. Didesisyonan pa iyon ng korte matapos na sila ay magharap ng mga saksi at ebidensiya.

Ang mahalaga lang para sa TVJ kahit na hindi nila magamit ang original na title at sinasabi sila ay nasa mas mahinang estasyon, inilalampaso pa rin nila sa audience share ang Eat Bulaga at ang It’s Showtime. Hindi naman maitatago sa pagbagsak ng audience share, na baka nga hindi magtagal at magsara na rin ang Eat Bulaga dahil inaalisan na rin sila ng sponsors. Mukhang iyan din naman ang nasa isip ng TAPE Inc. na mabawi man sa kanila ang title na Eat Bulaga, sira na rin naman iyon at kung paalisin nga sila ng GMA nakaabang naman ang Showtimena mas lalong pinalalalaki ng magkatulong na GMA at ABS-CBN dahil iyon ay collaboration nila, samantalang ang Eat Bulaga ay blocktime lang sa GMA 7. 

Maliwanag ang plano ng GMA na kung bumagsak man ang Eat Bulaga, mayroon agad silang Showtime na maipanlalaban sa TVJ. Ang TVJ naman ay anim na taon na lang ang hinihintay para makompleto ang kanilang 50 taong noontime show na masasabi ngang pinakamatagal na noontime show sa buong mundo ngayon pa lang. Isang bagay na hindi naman inaasahang makakaya ng  mga sumalo sa Eat Bulaga na kung susuwertihin siguro ay aabot naman ng mga ilang buwan o isang taon pa. 

Pero tiyak iyon, hindi na ie-extend ng GMA ang kanilang blocktime agreement dahil mas malaki ang kanilang kinikita sa collaboration sa Showtime, na hindi nila kinikita sa Eat Bulaga lalo na ngayon na mamemeligro pang hindi na sila mabayaran dahil halos ubos na ang sponsors ng show. 

Babalik tayo ngayon sa tanong, mas mahalaga ba ang title kaysa mataas na ratings na nangangahulugan ng malaking kita?

About Ed de Leon

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …