MATABIL
ni John Fontanilla
PAGKATAPOS ng Darna na nag-trending at tinangkilik ng manonood ang kanyang role ay sunod-sunod na ang pagdating ng magagandang proyekto kay Kim Rodriguez.
Sobra-sobra nga ang pasasalamat nito sa Kapamilya sa magagandang proyekto na ibinibigay sa kanya.
“Thankful and honored po ako since po nagkaroon ako ng bagong pamilya (ABS CBN) may bagong trabaho, sobrang natutuwa po ako at naging part ako ng ‘Nag Aapoy Na Damdamin,” masayang sabi ni Kim.
Kakaibang role naman ang gagampanan dito ni Kim, kompara sa role niya rati.
Isa siyang babaeng labis-labas magmahal at handang ipaglaban ang kanyang lalaking minamahal.