HATAWAN
ni Ed de Leon
PAULIT-ULIT si Alden Richards sa pagsasabing masaya siya dahil alam niya na nakapag-asawa ng tama ang kanyang dating love team na si Maine Mendoza. Ilang ulit na rin niyang sinabing malaki ang utang na loob niya sa TVJ kaya roon siya tumatanaw ng utang na loob. Kaya nga’t kahit na pinapayagan siya ng GMA7 na sumali sa Eat Bulaga at sa It’s Showtime, ayaw niya.
Pero ang Aldub Nation iba ang sinasabi. Galit sila kay Maine dahil nagpakasal daw iyon kay Arjo Atayde na sinasabi nilang kasabwat daw ang tatlo (TVJ) sa isinagawang kasal-kasalan ganoong matagal nang kasal kay Alden at mayroon na nga raw silang tatlong anak.
Galit din sila sa TVJ dahil nakipagsabwatan daw iyon kina Arjo at Maine para ikasal.
Huwag na nating kontrahin ang matatandang iyan. Iyon ang itinuro sa amin, igalang ang mga matatanda, eh kaso nasaan ang ebidensiya nila na kasal nga si Maine Kay Alden at may tatlo nang anak? At bakit wala silang mailabas na katibayan ngayon at sinasabi pang hintayin ang tamang panahon. Ano ba ang tamang panahon kundi ngayon para matapos na ang laht ng mga usapang iyan?
Ipagpaumanhin ninyo ang sasabihin naming ito, mukhang iyang mga matatanda sa AlDub ay nahawa na rin kay Rendon Labador na madalas igiit ang kanyang katuwiran kahit baluktot.
Ilabas na ang ebidensiya ng kasal nina Alden at Maine kung mayroon nga at kung mayroon panalo sila dahil sa batas, mas
pinahahagahan ang naunang kasal at maaari pa nilang idemanda at pananagutin sina Miaine at Arjo. Pero pati ba mga magulang ni Maine makikiloko sa ganoong bagay kung alam nilang may asawa nang una at ang miling pagpapakasal ay maaaring ikapahamak ng kanilang anak.
Huwang na natin silang hanapan ng marriage certificate, maski ba invitation sa kasal nina Maine at Aldeb wala silang mailalabas? May mailabas lang sila kahit na invitation kami na maghahanap ng CENOMAR. At kung may makuha fake nga ang kasal nila ni Arjo.
Masyadong mayaman na nga ang ilusyon ng Aldubn Nation. Dapat sa mga iyan uminom ng gatas at maligo sa maligamgam na tubig, at matulog. Pagkagising niyan mas matino na ang istorya, kung hindi
pa rin may maghihintay na sa kanila.