Sunday , December 22 2024
Paolo Contis Isko Moreno Buboy Villar Jalosjos

Paolo pinaliwanagan kung bakit ‘di sila dapat magdiwang sa EB

HATAWAN
ni Ed de Leon

BINANATAN na naman ni Sen Tito Sotto si Paolo Contis, nang sabihin niyong nakasasama ng loob na tinatawag silang fake Bulaga.

Sabi ni Tito Sen, ano ang karapatan ng TAPE Inc. na mag-celebrate ng 44 years, eh wala naman sila noong 1979. Dumating sila 1981 na. Iyang Eat Bulaga, TVJ iyan. Nang umalis na ang TVJ, wala ng Eat Bulaga

Tama naman si Tito Sen, kaya nga Eat bulagta na lang ang lumalabas eh.

Iyan namang mga nasa kampo ni Jalosjos, hindi na sila dapat pang nagsasalita. Lalo silang nagiging antipatiko sa mata ng publiko, tumahimik na lang sila, mamigay na lang sila ng pera, baka matuwa pa ang mga tao sa kanila. Pero iyong ginagaya nila pati ang mga segment na pinasikat ng TVJ tapos marami pa silang kuda, hindi nakabubuti iyon.

May isa pa silang naka-deal na writer na kinausap nila para lumikha ng isang segment sa show. Nagulat na lang ang writer dahil maayos naman daw ang usapan nila tapos nakita na lang niya ang

segment pati na ang title na kanilang ginawa na ginagamit na ng grupo ni Jalosjos na wala silang pahintulot. 

Ang akusasyon niya ninakaw ang idea nila. Segment nga lang iyon eh, kung iyong title ng show na alam naman nila kung sino ang gumawa, iginigiit nilang sila ang may-ari eh.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …