Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Buboy Villar Isko Moreno

(Matandang nagpasalamat sa TVJ inagawan ng mic)  Netizens uminit ang ulo kay Buboy Villar

MATABIL
ni John Fontanilla

KONTROBERSIYAL muli ang isa sa host ng Eat Bulaga, si Buboy Villar nang hindi nagustuhan ng madlang pipol ang ginawa nitong pagkuha ng microphone sa matandang babae na ‘di sinasadyang magpasalamat kina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De De Leon sa kanilang G na Gedli segment kamakailan.

Ang nasabing segment ay halos kapareho ng Sugod Bahay na dating ginagawa ng TVJ noong nasa Eat Bulaga pa sila, na pumupunta sila sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila para maghatid ng suwerte.

Kaya naman uminit ang ulo ng madlang pipol nang mapanood kamakailan ang nasabing pangyayari at sinabihang bastos at walang galang sa matanda si Buboy.

Ilan nga sa naging reaksiyon ng netizens sa nangyari ang  sumusunod.

“Wala naman sa puso nila ang kanilang pagtulong. Binastos pang Isang lola. Di man lang binigyan ng time magsalita. Aminin, eat Bulaga is TVJ and TVJ is eat Bulaga.”

“Bastos fake kc sila.”

“Sana tumawa na lng kayo,natuwa pa sa inyo ang manunuod, at sinabi nyo na salamat po pupurihin pa kayo ng mga tao.”

“Talagang binastos nagsasalita pa nilayo ang mic. Ilang beses n gngwa yun kasi mapapahiya sila.”

“Bastos talaga! Pinipilit kasi nila gayahin kahit alam ng mga tao ang original is TVJ!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …