Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Raoul Barbosa Outstanding Businessman and Philanthropist of the year sa 33rd Asia Pacific Awards Thailand 2023

MATABIL
ni John Fontanilla

MASAYANG-MASAYA ang celebrity businessman na si Mr Raoul Barbosa sa bagong karangalang natanggap mula sa  33rd Asia Pacific Awards Thailand 2023 bilang Outstanding Businessman and Philanthropist of the Year.

Personal na bumiyahe ito papuntang Thailand para personal na tanggapin ang kanyang award kasama si Jeffrey Dizon at ang kanyang mga bestfriend na sina Ms Cecille Bravo na isa ring awardee kasama ang kanyang mga anak na sina Maricris at Miguel Bravo at inang si Mamita Hazel Tria gayundin sina Raymund Saul, Cristina Saldana Williams at ang CEO  & President ng Frontrow na si Raymond RS Francisco, Meggy Baitan Bactungatbp..

Nagpapasalamat si Mr Raoul sa mga nasa likod ng 33rd Asia Pacific Exellence Awards Thailand 2023 sa karangalang ibinigay sa kanya.

Sobrang nagpapasalamat ako sa mga taong bumubuo ng 33rd Asia Pacific Excellence Award sa parangal na ibinigay nila sa akin.

Masarap sa pakiramdam na nabigyang pansin ‘yung ginawa mo, mas mai-inspire ka para mas pagbutihan pa ang trabaho mo,” sambit pa ni Mr Barbosa.

Habang nasa Thailand ay ginawa na ring bisitahin ni Mr Raoul at ng kanyang mga kasama ang mga magagandang lugar doon.

Ang 33rd Asia Pacific  Excellence (Thailand) Awards 2023 ay ginanap noong July 27, sa Montien Riverside Hotel  Bangkok, Thailand kasabay ang coronation night ng Miss Tourism Queen Worldwide 2023.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …