Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Remy Alto Imelda Papin

Imelda Papin gustong maka-duet ng stuntwoman

ANG Jukebox Queen na si Imelda Papin ang ultimate idol ng businesswoman na si Remy Alto na isa ring singer at stuntwoman.

Kuwento ni Remy, bata pa siya ay hilig na niyang umawit, kaya lang ay medyo may pagka-mahiyain kaya naman hindi niya nagawang mag-audition o sumali sa mga singing contest on national television.

At sa kanyang paglaki ay hindi pa rin nawawala ang kanyang hilig sa pagkanta lalo na ang mga awitin ng kanyang paboritong si Imelda, kaya pangarap niya na isang araw ay maka-duet ang kanyang idolo o makasama sa pelikula.

Pero imbes nga na pagtuunan ng pansin ang kanyang pag-awit ay sumabak ito sa telebisyon bilang stunt woman kasabay ng kanyang pagnenegosyo katuwang ang very supportive na asawa.

Sa ngayon ay nagbabalak si Remy na bigyang oras ang kanyang hilig sa  pag-awit, kaya naman balak nitong kausapin ang isang composer para gawan siya ng kanta bago matapos ang taon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …