Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arjo Atayde Maine Mendoza Rhea Tan Migz Zubiri

Rhea Anicoche-Tan ng Beautéderm, Ninang of the Stars

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG President at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan ay puwede na rin bansagan bilang Ninang of The Stars.

Katatapos lang kasing magninang ni Ms. Rhea sa kasalang Arjo Atayde at Maine Mendoza na ginanap sa Baguio City, pero kahapon naman ay nasa Bali, Indonesia ang masipag na businesswoman para mag-ninang ulit, this time sa kasal naman nina Maja Salvador at ng non-showbiz boyfriend nitong si Rambo Nunez.

Ang actor/congressman na si Arjo at si Maja ay parehong Beautéderm ambassadors at itinuturing ni Ms. Rhea na kanyang mga baby.

Sa kaunting tsikahan with Ms. Rhea, nabanggit niya kung gaano siya kasaya na maging ninang ng kanyang mga Beautéderm baby.

“Super-happy ako na napili po akong ninang,” panimula niya.

Pagpapatuloy ni Ms. Rhea, “Tapos makikita mo ‘yung entourage super kaunti lang inilalagay nila, kaya kilig po ako na nasama ako sa list.

“Kapag ninang hindi ba, isa ka sa witnesses ng pagmamahalan nila. And you serve as the second parent, na puwede nilang maasahan. Kaya itinuturing ka na bilang parte ng kanilang pamilya.”

“May significant role ang ninang kaya kapag pinili ka nila as one of the principal sponsors, meaning you made an impact sa buhay nila.

“Sobrang honored po. Nakatataba ng puso… ramdam ko na parte ng pamilya nila,” masayang pahayag ni Ms. Rhea.

Ang Senate President na si Juan Miguel “Migz” Zubiri ang nakapareha ni Ms. Rhea sa entourage.

Ilan sa nakasama ni Ms. Rhea bilang mga ninang sina Diamond Star Maricel Soriano, ABS-CBN executive Cory Vidanes, at Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Bukod sa pamilya nina Arjo at Maine, kabilang sa celebrities na namataan sa naturang kasalan ang mag-asawang Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna, Lorna Tolentino, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Korina Sanchez, at Kristine Hermosa.

Nandoon din sina Zanjoe Marudo, Julius Babao and wife Tintin Bersola, Alma Concepcion, Ynez Veneracion, Enchong Dee, Helen Gamboa, Aiza Seguerra, at Liza Dino, Allan K, Wally Boyola, ang ABS-CBN executives na sina Carlo Katigbak at Deo Endrinal, at marami pang iba.

Anyway, sa kasalang Maja at Rambo naman ay pinatunayan ni Ms. Rhea na ibang klase siyang ninang dahil hanggang Bali, Indonesia ay ipinaramdam niya ang pagmamahal sa mga inaanak niyang sina Maja at Rambo.

Nag-provide pa kasi si Ms. Rhea ng personalized welcome kit para sa mga bisita ng kanyang bagong inaanak sa kasal.

Kaya sadyang feel na feel ang Beautederm sa kasalang Maja at Rambo, base sa FB post n Ms Rhea:

#BEAUTéDERM Personalized Welcome Kit For

M&R Wedding!  So soo lovee it! #beautédermYan!

BD M&R Pouch with Alcohol, Insect Repellent, sunblock, Mouthspray, Face Mist.

-30-

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …