Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Dizon Noime Pahilanga Pastor Eduard ll

Pastor ng JCF marami ng napagaling

ANG aktres na si Sunshine Dizon ang bet ni Sister Noime Pahilanga ng JCF (Jesus Christ Fellowship) at isang radio anchor sa RMN  DZXL 558 Manila na gumanap bilang siya if ever na maisasapelikula o maisasa-telebisyon ang kanyang buhay.

Ilang dekada na ring healer at nagdi-discern si Sis. Noime at marami na rin itong napagaling.

Ayon kay Sis. Noime kasama ang kanyang anak na si Pastor Eduard ll nang makausap namin kaugnay sa 24 years ng kanyang radio program sa RMN DZXL 558 Manila na ginanap kahapon, July 30 sa JCF sa 5th Floor ng  Victory Mall, Munomento Caloocan City.

Siguro kung maisasa-pelikula ang buhay ko, ang gusto kong gumanap bilang ako ay si Sunshine Dizon.

“Si Sunshine kasi napakahusay umarte, bukod sa parehas kaming maputi at malapit sa Diyos.

Habang si Christopher De Leon naman ang gusto niyang gumanap sa yumao niyang asawa na dating head ng JCF na si Pastor Edward at si Piolo Pascual naman ang gaganap bilang anak na si Pastor Eduard II na siyang head ngayon ng JCF.

Ayon naman kay Pastor Eduard II, “If may gaganap na ako sa life story ni Mommy, ang gusto ko si Piolo Pascual, mahusay na artista at isa ring maka- Diyos.”

Sinabi pa ni Sis Noime, “Ang Payong Kapatid Radio Ministry ay sa Jesus Crist Fellowship IGM, kasi nga nasa radio tayo sa DZXL with radioman Jenny Pahilanga, more on ito sa evangelism, makatulong sa healing ministry and pagpapaunlad ng mga negosyo.” (John Fontanilla)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …