Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cecille Bravo 33rd Asia Pacific Excellence Awards Thailand 2023

Cecille Bravo at Intele Builders kinilala sa 33rd Asia Excellence Awards Thailand 2023

MATABIL
ni John Fontanilla

BUMIYAHE papuntang Bangkok, Thailand ang celebrity Businesswoman na si Ms Cecille Bravo para personal na tanggapin ang parangal na iginawad ng 33rd Asia Pacific Excellence Awards Thailand 2023 sa kanya bilang Excellence in Business and Professional at sa kanilang kompanya (Intele Builders and Development Corporation) bilang Best Telecommunications Service Provider.

Labis-labis ang pasasalamat ni Madam Cecille sa mga tao sa likod ng 33rd Asia Pacific Excellence Awards Thailand 2023 sa parangal na iginawad sa kanya at sa kanilang kompanya.

Hindi na nga lang pang-Pilipinas ang awards na nakukuha ni Madam Cecille at ng Intelle Builders and Development Corporation, dahil maging sa Asya ay kinikilala na ang husay nito at ng kanilang kompanya.

Kasamang bumiyahe ni Madam Cecille  ang kanyang very supportive mom, kids and bestfriends—Mamita Hazel TriaMaricris Bravo and Miguel BravoRaoul Barbosa with Jeffrey Dizon, Cristina Saldana, Williams and Raymund Saul, at ang CEO  & President ng Frontrow na si Raymond RS Francisco, gayundin si Meggy Baitan Bactung atbp..

Bukod sa pagtanggap ng award, sinamantala na rin ng grupo nina Madam Cecille na bisitahin ang magagandang lugar sa Thailand.

Ginanap ang 33rd Asia Pacific  Excellence last July 27, sa Montien Riverside  Hotel  Bangkok, Thailand kasabay ang coronation night ng Miss Tourism Queen Worldwide 2023.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …