Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dawn Zulueta Anton Lagdameo

Dawn at Sec Anton ‘di totoong hiwalay; anak sinamahan sa US 

HATAWAN
ni Ed de Leon

SIGURO kung mayroon mang makapagsasabi sa movie press na nakakakilala kay Dawn Zulueta kami na iyon dahil sa tagal na rin ng aming pagkakilala at pagsasama sa trabaho. 

Kaya noong una naming marinig na nasisira raw ng married life ni Dawn, naalarma rin kami.

Matagal na rin kaming hindi nagkakausap at hindi namin alam ang totoong pangyayari. Nagsimula lang iyan sa isang blind item ng isang blogger tungkol sa isang official ng Malacanang na nagloloko. Nasabay naman iyon sa pag-alis ni Dawn patungong US. Mabilis namang gumawa ng tsismis ang iba na si secretary Anton Lagdameo raw ang Malacanang official, nagloloko raw kaya nilayasan daw ni Dawn.

Pero sa pagkakakilala namin kay Dawn, hindi iyan ang basta tatahimik at aalis na lang. Si Dawn iyong hndi mo mapipigilan kung ano ang gusto niyang sabihin. Ang totoo kaya si Dawn ay dahil nakakuha ng scholarship para mag-aral ng ballet sa US si Ayisha. Natural naman sasamahan niya ang anak niya, babae pa naman.Tapos naman pagbalik niya sa Agosto, sasamahan naman niya ang anak niyang lalaki, si Jacobo sa US din dahil mag-e-enroll iyon sa college roon.

Hihintayin lang daw niyang makapag-settle si Jacobo roon at babalik na siya sa Pilipinas. Si Dawn talaga ay close sa kanyang mga anak at naiintindihan namin kung bakit siya mismo ang sumasama sa mga iyon sa US. Iyang ibang istorya nasa gumagawa lang ng mga tsismis iyan.

Ang totoo hindi naman daw puwedeng magtagal na wala si Dawn sa bansa dahil may iba pa siyang mga project na gagawin. Tapos lumalabas pa later on na hindi naman pala si Sec Anton ang subject ng blind item kundi iba. Ang tsismis nga naman.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …