ni Ed de Leon
GUSTO raw maloka ng isang beki, natiyempuhan niya sa isang watering hole sa Taguig ang isnag male starlet, dahil pogi naman iyon at talagang type niya, at katatanggapp lang niya ng mid year bonus sa opisina.
Nilapitan niya iyon at kinausap. In short, inalok niyang sumama sa kanya for a fee. Nagkasundo sila sa halagang P10K, kaya tuloy na nga sila sa lugar na mas malamig.
OK naman daw si pogi at nang nagmimilagro na sila, sinabi ni pogi na baka puwedeng manood muna siya ng porno sa kanyang cellphone para mas ganado siya. Okey lang naman sa bading pero nang silipin niya ang pinanonood ng bagets, nakita niyang dalawang lalaking nagse-sex ang pinanonood niyon.
Wala nang lusot iyon, natanso siya ng male starlet na bading din pala. Kung hindi, bakit men to man ang pinanood niyang pampagana?
At marami ang ganyan ngayon, mga gay for pay, lalo na iyong mga pumapasada sa internet karamihan diyan may curlers sa buhok.