Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jessica Soho Vice Ganda

Jessica, Vice nag-iwasang mag-usap sa GMA Gala 2023 

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAY isang bagay na inaabangan nila noong GMA Gala,ano raw kaya ang mangyayari sa pagkikita ng Peabody Awardee na si Jessica Soho at ni Vice Ganda? Noon kasing nasa magkalaban pang network sina Jessica at Vice, sa isang concert niya ay may binitiwang joke ang huli tungkol sa rape tapos binanggit niya si Jessica at ikinompara  sa lechon na wala naman talaga sa ayos. 

Body shaming iyon na ayaw na ayaw ng mga bakla, pero bakit siya nagsalita ng ganoon? Hindi nagsalita si Jessica, isipin mo nga naman kung papatulan ng isang Peabody Awardee ang isang stand up comedian sa isang comedy bar. Isa pa siguro naisip ni Jessica na hindi na niya kailangang magsalita dahil binakbakan ng bashers si Vice dahil sa kanyang ginawang kawalang respeto sa kapwa niya tao. 

Eh ano nga ang aasahan mo kay Vice, stand up comedin iyan sa isang comedy bar at sa kanila natural na lang iyong ginagawang katatawanan kahit na sino. Humingi naman ng dispensa later on si Vice, pero walang reaksiyon si Jessica. Ang katuwiran pa noon ni Vice, kahit na nga raw si Charo Santos na presidente noon ng ABS-CBN

isinasama niya sa joke kung minsan at ok lang iyon sa aktres. 

Pero iba-iba ang mga tao eh, mayroon natatanggap kahit na anong bardagulan,

pero para sa status ni Jessica, hindi siya papatol sa ganoon.

Nang saluhin ng GMA Network at inilagay sa GTV ang It’s Showtime nina Vice matapos magdesisyon ang TV5na iurong ang kanilang timeslot sa hapon para mabigyang daan ang mas malakas na noontime show ng TVJ, siyempre kailangan niyang makisama sa mga taga-Siete at isa sa nasabi niya ay gusto niyang mag-guest sa show ni Jessica. Hindi naman itinago ni Vice na naisip niyang daan iyon para makahingi nang paumanhin ng personal kay Jessica. 

Pero mabilis na tinanggihan iyon ni Jessica, hindi naman dahil sa may galit pa siya kay Vice kundi hindi naman bagay sa kanyang show ang guesting ni Vice.

Nagkita na nga sila, roon sa red carpet area ng GMA Gala. Nakangiti naman si Jessica na kumaway pa sa mga taong naroroon kabilang na si Vice, pero hindi sila nag-usap. Hindi sila nagkaoon ng pagkakataon, o sabihin nating baka iniwasan din iyon ni Jessica na napakarami rin namang kausap noong gabing iyon. Kung iisipin mo nga

naman, bakit doon niya kakausapin si Vice eh dumating si Jesica na kagalang-galang talaga ang hitsura tapos ang kakausapin niya ay isang cross dresser. Hindi nga naman tama.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …