HATAWAN
ni Ed de Leon
NAGKUKUWENTO si Glaiza de Castro na noon daw GMA Gala, ang suot niyang kuwintas ay nagkakahalaga ng P38.7-M, kaya todo ang kanyang kaba at pag-iingat. Inamin niya na bawat beso sa kanya ng mga kakilala, panay ang check niya sa kanyang suot na kuwintas pagkatapos.
Kung minsan iyan ang nakatatawa sa ugali nating mga Filipino. Bakit nga ba nagsuot siya ng ganoon kamahal na kuwintas sa ganoong pagtitipon? Bakit ka gagamit ng alahas sa pagpunta mo sa isang party na sa halip mag-enjoy, ninerbiyosin ka dahil
sa suot na iyon. Ganoon din naman iyong mga bumibili ng mamahaling cellphone, pero basta tinawagan mo hindi sumasagot. Takot eh kasi nasa kalye sila at takot sila sa mga snatcher. Eh bakit kasi bumibili kayo ng cellphone na saksakan ng mahal tapos takot kayong gamitin?
Ang dami namang cellphone na ganoon din ang nagagawa pero hindi ganoon kamahal? Tapos panatag pa ang loob mo na hindi mai-snatch at kung maiwan mo man kung saan siguradong ibabalik sa iyo.
Mahirap ang magyabang tapos hindi naman mapanatag ang iyong kalooban.