Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo Dominic Roque Engage

Pagpapakasal ni Bea kay Dominic kinokontra  

HATAWAN
ni Ed de Leon

BAKIT naman pinagtatalunan pa kung saan nag-propose si Dominic Roque kay Bea Alonzo? Hindi ba ang mahalaga lang naman doon ay engage na.

Ang nangyari kasi, nabalita na ang engagement ay naganap sa Las Casas de Acuzar, at mabilis namang gumawa ng conclusion ang iba na sa Bataan iyon. Pero rito lang sa Quezon City, na sa ngayon ay Fernando Poe Jr. Avenue na ang tawag naroroon ang Las Casas de Acuzar. At dito  nangyari ang proposal.

Ang isang hindi namin maintindihan kung bakit marami pa rin ang kumokontra kay Dominic para kay Bea. Sinasabi nila mas sikat daw kasi si Bea. Mas mayaman daw  ang aktres. Isa pa nanligaw si Dominic kay Bea noong panahong katatapos lang ng break-up nila ni Gerald Anderson. Tiyak na hindi pa malinaw ang isip ni Bea noon, pero

niliwagan na niya t binakuran. Hindi mo masisigurong talagang in love nga si Bea.

Iyong mga bakla naman siyempre masama ang loob. Mag-aasawa na kasi si Dominic  eh isa pa naman iyon sa pinaka-paborito nilang model ng brief. Kung may asawa na nga naman iyan baka hindi na makuha o hindi na rin pumayag na mag-model pa siya ng brief. Mawawala na ang pantasya nila sa tuwing titingin sila sa malalaking

billboard sa EDA na ang nakalagay ay mga lalaking naka-brief.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …