Sunday , December 22 2024
GMA Gala Showtime

GMA Gala nagmukhang Kapamilya Night; TVJ muling pinadapa ang Eat Bulaga

HATAWAN
ni Ed de Leon

KUNG kami ang tatanungin, mas maganda pa at madamdamin ang bridal shower na inihandog ng TVJ at Legit Dabarkads sa ikakasal nang si Maine Mendoza kaysa roon sa GMA Gala na kailangan mong pagtyagaang panoorin sa Tiktok. Dalawa ang estasyon nila sa telebisyon, hindi man lang nila inilagay sa GTV o alinman sa kanilang digital channels para mapanood sa free tv o sa mas malaking screen. 

Eh ang ginawa nila, inilabas nila sa Tiktok na gumagastos ka na sa data at internet, nanonood ka pa sa maliit na screen ng cellphone mo. Tapos wala ka namang makita kundi ang pagpasok ng stars at starlets nila sa red carpet entrance at ang payabangan kung sino ang gumawa ng damit nilang suot. Ang kumita nang husto ay ang mga coturier. Biglang marami ang nagpagawa ng damit eh kung hindi bibili iyan ng mga branded na ready to wear. 

Actully hindi na uso iyong patahi eh, kaya nga maraming mga sikat na couturier na nagsara  na ng talyer dahil wala nang nagpapagawa nang maglabasan ang mas mura, mas magaganda, at mas sikat na kompanyang gumagawa ng mga ready to wear.

Hindi namin natagalan, masakit sa mata eh, hinayaan na lang namin tutal may magtitiyagang manood niyan at maya-maya lang nagkalat na ang  tsismis sa social media at doon na lang namin titingnan kung ano ang tsismis. Ang nakatawag ng aming pansin ay ang isang bloogger na inilabas ang pictures ng ilang mga artistang lalaki habang pumapasok sa red carpet entrance.

At sinabi  niya na sa lahat ng male stars na nasa gala, si Joshua Garcia ng ABS-CBN ang pinakapogi. Iyang mga ganyang statement relative iyan eh, depende sa tingin ng nagsasabi pero base sa inilabas niyang mga picture, mukhang si Joshua nga ang pinakapogi. Naisip naman namin baka pinili niya ang mga male star na alam niyang talo kay Joashua. Pero hindi eh, mukha ngang lamang si Joshua sa iba pang mga

naroroon.

Napansin din nila na mukhang mas nabigyan ng pansin ang mga taga-ABS-CBN na dumalo sa gala. Mas napansin ang mga host ng It’s Showtime na pinangunahan ni Vice Ganda, kaysa mga host ng Eat Bulaga ni Jalosjos. Siyempre dahil sa tingin nila mas malalaking celebrities ang nasa Showtime. Isipin mo naman, ang naroroon ay sina Anne CurtisVhong Navarro at iba pa. 

Maihahambing mo ba naman sa mga iyon kina Betong Sumaya at Alexa Miro? Natural naman hindi. 

Iyon namang celebration ng TVJ para sa shower ni Maine, pinangatawanan nilang self contained ang kanilang show. Hindi na nila kailangan ang kung sino-sinong guests. Iyong kanilang pinagsaluhan sa tanghali na “Kiss The Fried Tilapia” at “I Do-Bo.’ Ibinigay lang nila ang tawag sa mga termino sa kasal. Hindi na nila sinabi ang ikawalong anniversary ng AlDub, tutal wala naman doon si Alden Richars. Iniwasan na rin nilang naroroon si Arjo Atayde, dahil parang insulto nga naman iyon sa AlDub

Nation dahil Ikawalong taon ng kanilang love team. 

Sabihin na rin ninyong blog ng mga troll ng ABS-CBN ang nakita namin, pero totoo naman na  ang mga nabigyang importansiya ay ang mga star ng Showtime ng ABS-CBN at wala sa mga host ng Eat Bulaga ni Jalosjos. Mukha ngang mas pinapaboran nila ang Showtime kahit na sinasabi ng Eat Bulaga na tumataas ang ratings nila. Kung sabagay, sila lang naman ang nagsasabi niyon.

Pinapanalo pa nila ng award si Anne, habang hindi napnsin ang ibang artista ng GMA, at nagmukhang kamote tuloy ang mga female host ng Eat Bulaga na sina Cassy at Alex, na tinatanong pa namin hanggang ngayon kung sino iyon na mukhang ang tanging claim to fame ay nagustuhan daw ni Sandro Marcos.

Marami nga ang nagsasabing nagmukha raw iyong Kapamilya Night sa Kapuso channel. Eh maiiwasan ba ninyo iyon, lahat ng malalaking shows nila ay collab na sa ABS-CBN, at ang namamahala ng kanilang talent center ay dati ring taga- ABS-CBN, at ang mga malalaki nilang stas ay iyong tumalon lang sa kanila noong masara ang ABS-CBN.

Sa katapusan, iyan ang hinihintay naming showdown. Ise-celebrate ng Eat Bulaga ang anniversary ng accomplishments ng TVJ at mga Dabarkads. Huwag angkinin iyon ng mga hosts ngayon ng Eat Bulaga, wala naman silang napapatunayan eh. Doon naman sa TVJ kung may kasalan, palagay namin tunaw na naman ang audience ng mga kalaban  nilang shows.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …