HATAWAN
ni Ed de Leon
ENGAGED to be married na sina Bea Alonzo at Dominic Roque. Talagang panahon na nga siguro para isipin niyang lumagay na sa tahimik, after all malamig na rin naman ang career niya. Hindi na niya masasabing baka maapektuhan ng kanyang pag-aasawa ang kanyang popularidad.
In fact, ang kanyang pag-aasawa ay makatutulong pa nga sa kanya. Iyon nga lang, hindi masasabing matatangay siya ng kanyang pag-aasawa, dahil hindi naman sila naging love team o nagkatambal man lang ng kanyang boyfriend na si Dominic. Hindi nman kasi umabot sa level ng leading man iyong si Dominic. Iba siyempre kung ang magiging asawa niya ay ka-lov team niya. Halimbawa hindi sila nag-split ni Gerald Anderson, tiyak na iyan ay pinag-uusapan na. Kaso nga nasulot siya ni Julia Barretto, kaya ganoon.
Alam naman iyan ni Bea noon pa man, marami na ang nagsasabing hindi sila magka-level ni Dominic. Pero siguro naisip nga ni Bea na mabuti na iyong hindi sikat ang boyfriend niya, at least hindi na masusulot.
Isipin nga naman ninyo, noong una silang naging magsyota ni Gerald iniwan na siya. Tapos nag-reconcile sila, iniwan na naman siya ulit. At least si Dominic hindi siya iniwan.