Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
AlDub, Alden Richards, Maine Mendoza

Labanan sa 44 taon, sino ang mananaig?  TVJ-ALDUB vs EAT BULAGA

HATAWAN
ni Ed de Leon

HIHINTAYIN natin ang labanan sa Sabado. Magce-celebrate ng 44 years ang Eat Bulaga kahit na hindi na nila kasama ang mga host noon ng 43 taon.

Ang katuwiran nila, sa kanila ang trade mark at iyon ang tumagal ng 44 years. Sa TVJ naman sa TV5. Magce-celebrate sila ng ika-walong taon ng AlDub, ang nilikha nilang love team na kumayod sa record ng pinakamaraming likes sa buong mundo. 

Kulang din naman ang kanilang celebration dahil ang kalahati ng love team, si Alden Richards ay tiyak namang hindi papayagan ng GMA 7 na lumabas sa TV5.

Pero kung kami ang taga GMA 7, papayagan namin si Alden. Kasi maaari ngang lalo silang malampasan sa ratings kung lalabas pa si Alden sa TV5, pero dapat din nilang isipin na makadaragdag iyon sa popularidad ng kanilang artista na hindi naman nila kayang ibigay. Ang tagal na nga ni Alden sa GMA 7, hindi halos npansin kaya ibinigay nila sa Eat Bulaga ng TVJ noon.

Doon siya napansin nang makasama naman niya ang baguhang si Maine Mendoza, na sinakyan naman ng TVJ kaya lalong na-build up. Kung hindi ba dahil sa AlDub, sisikat nang ganyan si Alden? Natangay din si Alden nang gumawa siya ng pelikula na kasama si Kathryn Bernardo, pero ipahihiram ba ng ABS-CBN si Kathryn para makatambal muli ni Alden kahit sinasabi ng GMA na tapos na ang network war?

Siguro nga sa ngayon palagay nila wala na ang network war dahil wala nang prangkisa ang ABS-CBN, pero para sa ABS-CBN hindi pa tapos ng laban, hindi lang kumikibo iyan dahil naipapalabas nila sa GMA ang ilang shows na ginagawa nila kabilang na ang It’s Showtime, pero basta nakagawa ng paraan iyan na makakuha ng prangkisa, laban na naman iyan. Hindi malabo iyon, nabuksan na nga nila ang radio station nila eh, makakahanp din iyan ng paraan na mabuksan ang tv station nila.

Basta nangyari iyan, tapos na rin ang mga collab nila. Giyera na naman iyan ng Madre Ignacia at Kamuning.

Sino ang mananalo, ang 44 years anniversary na wala ang pinagmulan o ang ikawalong anibersaryo ng AlDub na hanggang ngayon  ay sinusundan ng milyong tao? Magpapatalo ba ang AlDub Nation?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …