HATAWAN
ni Ed de Leon
MUKHANG nalaos na si Kuya Kim nang pumasok ang poging weather reporter ng GMA na si Anjo Pertierra. Poging matinee idol kasi ang dating ni Anjo at saka dati na iyang may fans noong varsity pa lang siya ng Mapua sa Volleyball, at noong lumabas na rin sa telebisyon bilang aktor.
Kahit na nagbabalita siya ng matinding pinsala ng bagyo, “Mas kaaya-aya pa rin siyang panoorin dahil pogi siya,” sabi nila.
Mukhang iyon na ngayon ang punto ng GMA News, mga magagandang babae at mga poging lalaki ang kanilang news presenters. Kailangan nilang umisip ng paraan para ma-maintain ang pagiging highest rater ng kanilang neewscast, lalo ngayong mukhang hindi na babalik si Mike
Enriquez, na matindi ang kredibilidad.
Samantala sa kabila naman, pinanghahawakan nila ang kredibilidad ng mga retireable na nilang newscasters. Na hindi naman nakaabante kahit na noong araw.
Kami man, mas gugustuhin na naming makita si Anjo kaysa kay Kuya Kim. Ilagay na lang nila si Kuya Kim sa Eat Bulaga. Mukhang mas bagay silang magka-team ni Betong Sumaya.