Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kokoy de Santos Angel Guardian

Kokoy trabaho muna bago pag-ibig

I-FLEX
ni Jun Nardo

TOTROPAHIN  muna bago jojowain ni Sparkle artist na si Kokoy de Santos si Angel Guardian

Ito ang sagot ni Kokoy kaugnay kay Angel nang maging bisita namin sila ng kaibigang si Royce Cabrera sa Marites University.

Pero hindi priority ni Kokoy ang lovelife ngayon. Nagpapagawa siya  ng bahay sa Cavite para sa kanyang mga magulang.

Kaya naman wala siyang tanggi sa trabaho. Tinatanggap niya kahit ano ang dumating sa kanya, huh!

Eh kahit nagbibida na, napapanood siya paminsan-minsan sa Voltes V: Legacy. Eh kahit na nga, ano ang role, bakla o lalaki, aprubado sa kanya gaya ng guesting niya sa Magpakailanman.

Secured naman ako sa sexuality ko kaya hindi ko iniintindi kung anuman ang sabihin ng mga tao. May pinaglalaanan ako sa bawat kinikita ko kaya laban lang nang laban sa trabaho kahit ano pa ang sabihin nila sa akin,” pahayag ni Kokoy.

Eh si Royce, nagawa na niyang makuha ang kanyang dream car o SUV na dati ay pinapangarap niya lang.

“Kaya nga ang tawag ko sa car ko eh Dream! Nagkaroon na ito ng katuparan at hindi na ako nakikisabay sa service gaya noon,” sambit ni Royce.

Dalawang mahusay na aktor sina Kokoy at Royce at ang talent na ‘yon ang kanilang inaaalagaan para magtagal sa trabaho.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …