Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sabrina M Rico Yan

Sabrina M. nag-iingay ba para makabalik-showbiz?

HATAWAN
ni Ed de Leon

SANA naman patahimikin na nila ang namayapang matinee idol na si Rico Yan. Kung kailan dalawang dekada na siyang  yumao at saka pa nakaladkad sa isang controversy ang pangalan niya. Iyon ay nangyari nang biglang sabihin ng bold star na si Sabrina M na naging magsyota raw sila ng dalawang taon lhanggang sa yumao na nga ang aktor. 

Noon naman, wala ni tsismnis na nagkaroon sila ng relasyon. 

Ang paliwanag ni Sabrina, napaka-wholesome raw kasi ng image ni Rico kaya nila itinago iyon dahil tiyak na maaapektuhan siya kung malalamang ang syota niya ay si Sabrina na bukod sa mas matanda sa kanya ng ‘di hamak ay bold star pa. Pero kung iyon nga ang katuwiran

nila noon, bakit ngayon  ay inilabas pa iyon ni Sabria, kung kailan wala na nga si Rico para maipagtanggol ang kanyang sarili?

Maraming itinuturo si Sabrina na nakaaalam daw ng kanilng relasyon, pero mas maraming mga taong close kay Rico pati na ang kapatid niyang babae na si Tina, na sinasabing close sa aktor ay hindi naniniwalang totoo ang sinabi ni Sabrina dahil ni minsan hindi man lang iyon  nabanggit ni Rico sa kanya.

Maski na ang best friend umano ni Sabrina, ang dati ring bold star na si Katrina Paula ay nagsabing hindi siya naniniwala sa sinabi ng kaibigan. 

Puwedeng nagkatikiman lang sila pero hindi nagkaroon ng relasyon,” sabi ni Katrina.

Sinabi pa ni Katrina na mabait na tao si Rico at hindi niya matiis na hindi magsalita tungkol sa mga bagay na iyon.

Maging ang mga press people na madikit kay Rico ay nagsabing wala silang alam na nagkaroon iyon ng relasyon kay Sabrina. Ang suspetsa nila, nag-iingay lang si Sabrina dahil may ilalabas na isa niyang pelikula at gusto niyang mag-comeback sa showbusiness. Pero bakit si Rico?

Siguro nga ang matinee idol ang naisip niya dahil sabi nga ni Katrina, “talagang noon pa man ay crush niya si Rico, at naisip siguro niya na tutal patay na iyon, ayos na kahit na ano ang sabihin niya. Hindi naman siguro niya akalain na ganyan karami ang papalag.

Pero dahil nasabi na niya, pinaninindigan na ni Sabrina na nging syota niya si Rico. Hindi umano siya hihingi ng paumanhin kahit na kanino dahil sa mga sinabi niya dahil iyon ang totoo.

Sa ngayon ay hundi na natin malaman kung sino nga ba ang nagsasabi ng totoo pero lahat halos ay salungat sa sinasabi ni Sabrina, na siya lang naman ang nagsasabi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …