Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Awra Briguela

Mga kampi kay Awra nagsipaglaho na

HATAWAN
ni Ed de Leon

MUKHANG wala na ring natitirang kakampi si Awra Briguela matapos makita ng mga tao ang buong katotohanan na nabulgar nang mailabas na ang CCTV ng mga kaganapan sa loob ng bar na nangyari ang

rambulan na kanyang kinasangkutan.

Nakalabas sa kulungan si Awra dahil pala sa abogado na ipinadala ni Vice Ganda, Kay Vice rin daw nanggaling ang P6,000 ibinayad sa kanyng piyansa.

Pero kahit na si Vice na tumatayong manager niya ay napikon nang malamang sinabi ni Awra sa tatay niyang siya ay nakatira sa condo ng Unkabogable star sa loob ng anim na buwan na, kaya hindi siya umuuwi sa kanilang bahay. Hindi naman pala kay Vice kundi sa mga kaibigan niya nakikituloy si Awra. 

Sunod-sunod na pagsisinungaling ang nagawa ni Awra kaya napika maski na ang mga kakampi niya noong una. Wala na kaming naririnig ngayong sumisigaw ng Justice fo Awra. Maski na ang LGBT group na dating sumusuporta sa kanya ay tahimik na nang makita ang totoong ginawa niya na nauwi nga sa rumble. 

Bukod doon siguro abala nga sila sa kaso ng drag queen na nagsuot ng damit ng Nazareno at kumakanta at sumasayaw ng Ama Namin. Mas naging kontrobersiyal kasi iyon at maraming supporters ng Sogie Bill sa Kongreso pati ang  transwoman na Congressman sa Bataan ay kinondena siya. 

Natural iyon ang mas uunahin nila dahil mukhang dahil doon mauudlot na nang tuluyan ang Sogie Bill. Kung ganyan ngang wala pang Sogie Law may mga bakla nang binabastos pati ang simbahan at ang Diyos, at may nangha-harass na ng mga lalaking gusto nilang paghubarin gaya ni Awra, ‘di lalo na kung may Sogie Law na kung babasahin mo ay halos untouchole na nga ang mga bakla. 

Baka dumating ang araw na lahat ng kriminal mag-bakla na lang para hindi sila basta-basta mahuli. Kailangan mag-isip din naman tayo. Baka sobra na ang proteksiyon natin sa minority group at napapahamak na ang karamihan.

Ngayon nga rito halimbawa sa Quezon City sipulan mo lang at tuksuhin ang mga bakla maaari kang idemanda ng mga iyon dahil may city ordinance laban doon. Pero kung may mga bakla na mambastos sa babae o sa lalaki, wala silang magagawa.

Ewan nga ba kung bakit may mga opisyal na masyadong katig sa mga bakla.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …