Thursday , December 26 2024
Metro Manila Film Festival, MMFF

MMFF tinutuligsa, mga napiling entries kinukuwestiyon

HATAWAN
ni Ed de Leon

MARAMI na naman kaming naririg na disappointed sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Bakit daw script ang naging basehan sa pamimili ng entries? Hindi

raw ba alam ng committee na ang script ay napapalitan sa actual shooting ng pelikula?

Kaya nga hindi maaasahan na kung ano ang nalagay sa script iyon din ang kalalabasan at mapapanood sa sine.  Isa pa, bakit ang natitirang slots kailangang piliin base sa finished product na? Unfair nga naman iyon dahil may pinapasok ka ng wala pang gastos, script pa lang, samantalang iyong iba kailangang tapusin muna ang buong pelikula, at kung pagkatapos ay hindi naman nila mapipili,

kailan pa maipalalabas iyon sa ibang sinehan? 

Basta sinabi namang tinanggihan na iyan ng festival hindi mo naman maililihim iyan sa mga sinehan dahil kasama rin sila sa committee ng festival, alam nila kung sino ang reject. Dapat nga raw pare-parehong ang hingin ay finished product na at doon piliin ang mga pelikulang kasali. Kung script naman daw, bayaan na lang na lahat ay pagpilian batay sa script, at huwag nang pagastusin ang poducers na gumawa ng pelikula.

Marami ang nagsasabing pinapaboran daw ang malalaking producers. Pero mukhang hindi naman, dahil may isang producer doon na puro indie ang ginagawa, walang malalaking artista at nagpo-produce lang yata ng pelikula kung may festival ang ginagawa naman nilang pelikula ay hindi mailalabas sa mga sinehan kung sila lang.

Iyong selection committee ng festival, hayaan na niyo iyan sa sistema nila. Hindi ka naman puwedeng umangal eh dahil ang festival ay sa kanila kaya natural lang na kung ano ang desisyon nila at kung sino ang kanilang pasasalihin walang maaaring makialam. Iyong criteria nila hindi man nila masunod, iyon ang desisyon nila, may criteria sila na sila rin naman ang gumawa kaya nasa kanila rin kung may palulusutin

sila kahit na hindi nakasampa ang pelikula sa criteria. Walang public accountability  iyang festival, kahit na sabihin mong pera ng bayan iyan. 

Lumalabas kasing idino-donate na ng mga mayor ang amusement tax na dapat napupunta sa kanilang lunsod sa beneficiaries ng festival. Ibig sabihin, basta naibibigay nila sa beneficiries ang dapat na tanggapin ng mga iyon, walang problema. Kaso magkano na ba ang utang ng Metro Manila Development Authorities (MMDA) sa benficiaries ngayon? Noon kasi mga nakaraang taon may mga hindi sila naibibigay sa beneficiaries.

Ang nakadedesmaya sa amin ay mukhang baryang-barya na lang yata ang nakukuha ng mga manggagawa ng industriya sa festival ganoong kaya sinimulan iyan ay para sa kanila. Iyong Optical Media Board humihingi pa ng parte sa kita ng festival ganoong ang kanila namang ahensiya ay may budget sa ilalim ng general appropriations act, dahil sila ay nasa ilalim ng office of the president. 

Ewan kung bakit eh, maliwanag namang matapos ang isa o dalawang araw ng festivall at minsan unang araw pa lang ng MMFF, may lumalabas nang pirated copy ng

mga pelikula.

Ngayon may porsiyento na rin sa kita ng festival ang social fund ng presidente. Nagsimula iyan noong panahon ni dating

Presidente Gloria Macapagal Arroyo at ni Bayani Fernando bilang chairman ng MMDA. Bakit naman kasi pati office of the president binigyan pa nila ng parte.

Dahil pinababaan pa ang amusement tax, wala na nga halos nakukuha ang main beneficiary, ang Mowelfund na noong una ay sole beneficiary ng festival. Ewan kung ano pa nga ba ang maaasahan natin sa festival na iyan?

About Ed de Leon

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …