Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
CBCP Pura Luka Vega Ama Namin

CBCP kinondena drag queen na sumayaw ng Ama Namin  

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGBIGAY na ng reaksiyon ang kapulungan ng mga Obispong Katoliko sa Pilipinas, tungkol sa naging viral na performance ng isang bakla na nagpakIilalang si Pura Luka Vega, na nakasuot ng damit ng Nazareno, sumasayaw habang nagkakantahan pa ang audience niyang karamihan ay mga miyembro rin ng LGBTQ ng isang remix version ng Ama Namin.

Ito ay kalapastanganan sa aming pananampalataya,” sabi ng tagapagsalita ng CBCP (Catholic Bishops’ Conference of the Philippines).

Siguro hindi rin alam ng mga baklang nagkakatuwaan pa sa kanilang ginawa na sila ay maaaring maparusahan sa ilalim ng umiiral na Revised Penal Code na nagtatakda ng isa hanggang anim na taong

pagkakakulong sa mga lumapastangan ng pananampalataya ng iba. Kung ang binastos nila ay mga Muslim, baka pugot ulo pa. Nitong mga nakaraang araw, mukhang nalalalagay sa controversy ang mga bading. 

Una na nga ang kaso ni Awra nang mabigo siyang paghubarin ang isang lalaki sa loob ng isang bar sa Makati. Ngayon naman ang baklang ito na nagsuot pa ng damit ng Nazareno at nagsasayaw ng wala sa ayos sa saliw ng Ama Namin. Ang tigas pa ng mukha, ang ginawa raw niya ay “queer art” at hindi siya hihingi ng paumanhin kahit na kanino. 

Umani naman siya ng batikos sa internet maging mula sa mga kapwa niya bakla.

May mga taong gobyerno kasi na sobra kung tangkilikin ang mga bakla dahil sa paniniwalang marami sila at nakatutulong sila kung eleksiyon. Wala pa ang hinihingi nilang Sogie Bill, ganyan na. Tingnan ninyo, nasa presinto na iyong si Awra parang hindi pa rin kinikilala ang authority ng mga pulis at nakikipagtarayan pa siya sa mga iyon. Ano nga kaya ang gagawin ng mga bakla kung magkaroon pa ng Sogie Law?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …