HATAWAN
ni Ed de Leon
NOONG isang araw ay nagulat kami sa post sa social media ng dating bold actor na si Anton Bernardo. Sinabi niyang jobless daw
siya sa ngayon at kung may nangangailangan daw ng driver o body guard available siya any time. Ganoon na ba kahirap ang buhay ngayon sa showbusiness at ang isang dating artista na sumikat din naman, kahit na driver/ body guard payag na siyang magtrabaho?
MInsan din naman mag-iisip ka kung bakit bumagsak siya sa ganyan ano naman ang nangyari sa kinita niya noon sa sunod-sunod niyang mga pelikula.
Bakit may mga baguhang wala pa namang name pero kung titingnan mo ang buhay masagana. Saan naman kaya sila kumukuha ng pantustos nila sa kanilang marangyang buhay? May kakaiba bang sideline?