HATAWAN
ni Ed de Leon
NAKABILI na raw ng isang SUV si Buboy Villar, pero hindi raw iyon galing sa kita niya sa Eat Bulaga dahil maliit lang namn ang talent fee niya roon. Hindi naman puwedeng mas malaki ang bayad sa kanya kaysa kay Betong, hindi rin daw niya kinupitan ang mga ipinamimigay nila sa gedli, bagama’t maliwanag na madalas siyang nauubusan ng pera at si Yorme Isko Moreno na ang nagbibigay.
Galing daw iyon sa kita niya sa pagtitinda ng pares sa kariton. Aba malaki pala kita niyon, hindi nagbabayad iyan ng mayor’s permit, walang rehistradong resibo iyan sa BIR. Hindi simpleng hanapbuahy iyan, isipin mo nakabili siya ng SUV dahil doon.
Masasabi nga sigurong matapat sa kanya ang katulong niyang si Letlet, kaya naman bilang sukli sa katapatan niyon isinali at ipinapanalo sa contest nila sa Eat Bulaga.Na ayos lang naman sana kung hindi pinakialaman ng ibang mga blogger at ibinuko pang katulong iyon ni Buboy sa kanyang paresan sa kariton.
Tingnan ninyo iyang si Buboy, nagsisikap, kung ang inaasahan ba niyan ay Eat Bulaga lang, eh ‘di oras na isara na ang show dahil sa malaking lugi niyon, wala na siya. At least ngayon may tindahan na siya ng pares, wala siyang binabayarang tax doon ha.
Sabi naman ng ilang netizens, “Mas bagay namang tindero ng pares si Buboy kaysa maging host ng ‘Eat Bulaga.’
Huwag naman ninyong sabihin iyan dahil nagsisisikap iyong tao, kahit nga Eat Baluga papatulan niyan eh, at magaling dumiskarte iyan, titingnan ninyong ganyan lang iyan, na kulay kalawang pa ang buhok, aba nakabulag iyan ng Tisay, hindi ba. Noon nga lang makahigop siguro ng mainit na sabaw ng pares, nahimasmaan at iniwan din siya.
Peo in fairness, may talent iyang si Buboy. Hindi ka makapagluluto ng masarap na pares at mapasisikat ang kariton mo kung wala kang talent. Talent di naman iyon. Iyong dating may mamihan sa kariton doon sa likod ng ABS-CBN hanggang ngayon mamihan pa ring de-tulak ang negosyo. Hindi siya nakabawi lalo na noong masara na ang ABS-CBN, wala nang kumakain ng mami niya.
Ang suggestion lang namin kay Buboy, sana magtinda na rin siya ng pritong lumpiang toge, tapos may sukang maanghang, mabili rin iyon. Baka next year makabili siya ng
isa pang kotse.