ni Ed de Leon
PANIWALANG-PANIWALA ang isang male starlet na ang ginawa niyang gay movie ay isasali rin sa Metro Manila Film Festival (MMFF), at kung makasasali iyon, baka mabayaran na rin siya ng mga producer niyon kahit paano.
Eh alam naman ninyo ang mga ganyang pelikula, puro hubaran lang naman, hindi rin pala kasali. Ipinagyayabang pa naman niya na mailalabas ang pelikula niya sa MMFF. At ipinagmamalaki niya ito sa mga out of town show niya.
Paniwalang-paniwala pa naman siya na basta naipalabas ang pelikula niya sisikat na siya . Eh kung hindi pa nga. BabaiIk na naman siya sa istambayan nilang bar at maghihintay siyang may makakursunada sa kanyang bading, pero sana naman hindi gaya ni Awra na paghuhubarin lang siya at ang kapalit lang selfie kung hindi siya pumayag ay mabugbog pa siya ng mga kasama niyon.
Mahirap din ang buhay ng starlet baka akala ninyo.