Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera Rhea Tan Beautéderm Dingdong Dantes

Marian metikuloso sa balat ni Dingdong

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI takot tumanda si Marian Rivera dahil lahat naman ng tao ay tatanda.

Kailangan lang na alagaan ang sarili para maging maganda pa rin ang pagtanda.

Ayon kay Marian sa media launch ng bagong skincare brand na BlancPro na pag-aari ni Ms Rhea Anicoche-Tan, “For me, wala naman sigurong disadvantage (ang kanyang beauty). Kailangan nating tanggapin ang katotohanan na, alam mo ‘yun, hindi naman forever young ka.

Pero ang tanong, how do you take care of yourself habang tumatanda ka? Kaya naman nandiyan ang ating mga lotion. Para alam mo ‘yun, kasi ‘yun naman talaga ‘yun. Kung paano mo aalagaan ‘yung sarili mo.

“Kasi, lahat tayo darating diyan. Lahat tayo tatanda. ‘Yun nga lang, paano ka tatanda na mas maayos, mas maganda, ‘di ba? For me, okey ako roon. In-embrace ko ‘yung ganoong pagkakataon.”

Dagdag pa ng ambassador ng BlancPro,  “Marami akong routine, eh. Maarte ako, eh. ‘Yun ‘yung sinasabi ko kay Ate Rhea, isa sa mga topic namin kapag nag-uusap kami, kahit way-way back pa.

“Kuung paano namin aalagaan ang sarili namin, kung anong product inilagay namin sa face namin, kung ano bang kailangan naming moisturizer or sunblock. Maingat talaga ako sa ganoon.

Siguro, isa ‘yan sa mga namana ko sa nanay ko. Si Mama talaga, since maliit pa ako, gusto talaga niya naglo-lotion, which is naipapasa ko sa mga anak ko talaga na lotion kami nang lotion. Pagkatapos maligo, bago matulog,” pagbabahagi ni Marian.

At kahit nga ang kanyang asawang si Dingdong Dantes ay nilalagyan niya ng lotion.

Kahit tulog siya, lo-lotion-an ko siya. Kasi, ‘di ba, alam natin ‘yung boys, aminin natin minsan, alam mo ‘yun, hindi masyadong ganoon (naglalagay ng lotion).

“So ‘yung asawa ko, hindi. ‘Pag tulog na lang, lo-lotion-an ko.

Hindi lang palaging skin-skin. Siyempre kailangan inside rin, masaya ka, happy ka na alam mo ‘yun, sa sarili mo, sa pamilya mo, sa lahat ng achievements mo. So, mahalagang combination ‘yang dalawa na ‘yan,” pagtatapos ni Marian.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …