Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cristine Reyes daddy Mitring

Cristine Reyes labis na nag-alala nang ma-ospital ang ama 

MATABIL
ni John Fontanilla

NAGBANTAY at nakatutok ang aktres na si Cristine Reyes sa kanyang amang isinugod kamakailan sa ospital.

Kasalukuyang nasa taping noon si Cristine nang makarating sa kanya ang balita na isinugod sa ospital (World Citi Medical Center) ang kanyang daddy Mitring, kaya naman labis itong nag-alala at napaiyak.

Post nga nito sa kanyang social media account kasama ang larawan ng kanyang ama, “Pinag-alala mo ko. Namaga mata ko tuloy hindi matakpan ng make-up sa taping. Salamat sa mababait na mga kasama ko sa taping at inalagaan din nila ako ng walang pagtatanong.”

May makabagbag na mensahe rin ang aktres para sa kanyang ama, “I know I am blessed because of you, Daddy. You raised me well. Sorry kung masyado akong busy Daddy. You know i’m always here for life. Mahal kita.”

Maraming netizens ang pinusuan ang post na ito ni Cristine dahil naantig ang kanilang puso sa sobra-sobrang pagmamahal ng aktres sa kanyang ama.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …