Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Awra Briguela Mark Christian Ravana

Male starlet handang maghubad para kay Awra

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGING busy ang mga search engine sa internet, at iisa yata ang hinahanap, ang mga picture at information tungkol kay Mark Christian Ravana, ang lalaking hindi napaghubad ni Awra sa isang bar na naging dahilan ng kanyang pagwawala. Nagtataka rin kasi ang mga tao kung bakit basta na lang nagwala si Awra at kung bakit pinipilit niyang maghubad si Mark. Ano ba ang mayroon si Mark at gusto siyang paghubarin ni Awra?

Nang dumating si Awra sa bar, 24 silang lahat, karamihan ng kasama niya ay mga lalaki. Kung isa o dalawa sa mga kasama niya noon ang pinaghubad niya, palagay namin hindi magkakaroon ng gulo, tiyak naman ang mga kaibigan niya pagbibigyan

siya, o kung wala naman siyang nakursunadahan sa mga kasama niya, nasa Pobloacion Makati sila, lugar iyan ng mga bar, mag-ikot lang siya may makikita siyang iba na papatol naman sa kanya dahil si Awra siya, artista siya at tiyak na may pera siya. Babayaran nga lang niya iyon pero hindi na sana nagkaroon ng gulo, at nakatipid pa siya kaysa nagpiyansa siya ng P6,000, nakahihiya pa dahil nakulong siya.

Maski nga ang manager niyang si Vice Ganda hindi siya kinampihan eh, kasi maling-mali naman ang ginawa niya. Nanggulo na nga siya binastos pa niya ang mga pulis dahil sa hindi niya napaghubad ang isang lalaki.

Ito namang iba, babae, lalaki, bakla o tomboy man, talagang hinanap si Mark para malaman nila kung justified ba naman ang pagwawala ni Awra. At marami ang nagsabi, pogi naman pala iyong Mark, at may isang netizen na nag-post ng kanyang picture sa Tiktok na makikitang maganda talaga ang hubog ng katawan. Kaya sabi nila “may katuwiran naman palang magwala si Awra. Justice for Awra.” Bakit nga ba naman pinagkaitan nila ng pagkakataong mabosohan ni Awra ang isang pogi gaya ni Mark? Gender discrimination daw iyon dahil kung babae ang nagpahubad kay Mark, baka pinagbigyan iyon.

Ngayon nga ang biruan, basta may inutusan ka ang isasagot sa iyo, “maghubad ka muna.” Nakita na ninyo ang epekto ng socialmedia at mga taong gaya ni Awra?

Hindi rin namin alam kung bakit ganoon katindi ang galit at pagwawala ni Awra, dahil ba sa marami na siyang napaghubad at walang umangal tapos for the first time may tumanggi sa kanya? Pero hindi katuwiran iyon para pati ang mga pulis bastusin niya.

May isa ngang male starlet na suma-sideline sa Poblaion ang nagsabi sana sa susunod siya ang makita ni Awra at paghubarin siya. At dahil kapwa naman niya artista, hindi niya sisingilin nang mahal iyon. 

Nakita mo na Awra, mayroong artista pa na kahit na ano ang gusto mo ok lang, tapos may discount pa dahil artista rin siya.

Sa dinami-dami ng bakla sa showbiz, ngayon lang may nangyaring nakulong dahil nagwala ng hindi maghubad ang isang

lalaki. Hindi mo rin naman masisisi iyong si Mark, kung ganoon nga na pogi siya at maganda pa ang katawan, ang daming mga milyonaryong bakla riyan na maaaring mabaliw sa kanya, eh bakit naman si Awra pa?

Baka kung si Vice Ganda pa siya baka sakali pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …