Sunday , December 22 2024
Janah Zaplan

Janah Zaplan desididong abutin ang pangrap bilang The Singing Pilot

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISA si Janah Zaplan sa up-and-coming artists na mula sa ABS-CBN Music roster na ang bagong single ay Dancing On My Own. 

Ayon kay Janah, nais niyang maghatid ng positivity at sigla sa listeners sa pamamagitan ng kanyang musika. “This song is all about positivity and good vibes. It wants you to dance through the ups and downs of life and just enjoy what you have. Make every experiences their lessons to be the person they want to be.

“It was released last March 31 and is available on all digital platforms,” pahayag niya.

Bukod sa napapakinggan na ang Dancing On My Own sa iba’t ibang digital platforms, napapanood din ang visualizer nito sa YouTube. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok.

Inusisa namin siya kung ano ang susunod na aabangan sa kanyang singing career?  “There are a lot of things in line for me and I am so excited to release new music by the “Ber” months having to work with amazing people,” masayang sambit pa ng magandang bunso nina Mr. Boyet at Ms. Dencie Zaplan.   

Ang talented na dalaga ay kasalukuyang 3rd year college sa kursong BS in Aviation Major in Flying. Bata pa lang ay nakilala na si Janah as a singer na later on ay naging recording artist. Nakalabas na rin siya sa pelikula.

Ano ang mas priority niya, studies ba or showbiz?

Esplika ni Janah, “It’s really a combination of both. Pero depende po kung alin iyong mas may opportunity. I am a person who tends to focus on one thing po kasi at a time.”

Mahirap bang pagsabayin ang showbiz at studies?

Tugon ng 21 year old na dalaga, “Honestly, it is po. But I’m thankful enough for all the support and guidance my family has and of course, to my management, Star Pop, who respects my other dreams in life, just like what I always say in my other interviews. Time management helps too, even though I’m not best at it.”

Nabanggit din niya kung bakit ito ang kursong kanyang kinuha.”I chose this course, because eversince we started traveling, I saw pilots making the airport their runway looking so chic, posh and beautiful.

“It’s also to challenge myself and see up to where my capabilities can bring me. Moreover, it is to break the stereotype of it being a “men’s job only” because right now, I know there are already great “female” pilots changing it.

“Lastly, parang tinutuloy ko na rin po yung yapak ni daddy, since dapat siya rin po ay magiging piloto.”

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …