Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nap Gutierrez Mario Dumaual

Showbiz nagluluksa sa pagpanaw nina Mario at Nap 

I-FLEX
ni Jun Nardo

MALUNGKOT ang showbiz dahil sa pagpanaw ng veteran broadcast journalist ng TV Patrol na si Mario Dumaual.

Beterano na si Mario sa pagbabalita sa entertainment TV kaya naman marami rin siyang scoops at interviews sa mga manonood.

Bukod kay Mario, pumanaw na rin ang dating showbiz columinist turned sportswriter na si Nap Gutierrez.

Magkaiba nga lang ang pagpanaw nila. Sa sakit pumanaw si Mario at marami ang gustong magbigay ng tulong sa pamilya niya para sa hospital bills.

Samantalang si Nap eh malungkot ang pagkamatay na ayon sa ibinalita ni Manay Lolit Solis eh sa facility ng DSWD pumanaw na siyang nagpalibing din.

Sa mga may nakakakilala kay Nap, nakaranas siya ng kasikatan lalo na noong panahon ng player na si Alvin Patrimonio. Naging bahagi rin siya ng talk show ni Inday Badiday at nagkaroon din ng sariling programa.

Sa nangyari kay Nap, sabi ni Manay Lolit, matutong mag-ipon habang nabubuhay para hindi makaranas ng hindi maayos na pagpanaw sa mundo.

Nakikiramay kami sa mga naulila nina Mario at Nap.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

CoJ Cup of Joe Stardust

Cup of Joe’s Stardust int’l leg kasado na

I-FLEXni Jun Nardo KASADO na ang Stardust international tour ng multi-awarded record breaking band na Cup of Joe. …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …