Sunday , December 22 2024
isko Moreno Eat Bulaga

Yorme Isko ipinagmalaki saya at tulong hatid ng kanilang noontime show

MATABIL
ni John Fontanilla

MAY mensahe ang dating Manila Mayor at Eat Bulaga host na si Yorme Isko Moreno kina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.

Ayon kay Yorme Isko, “To Tito Sen, Vic, and Joey and their Dabarkads, congratulations sa inyo. Masaya kami, may bago na kayong tahanan.

“Masaya kami kasi marami nang pagpipilian ang tao. At least ang noontime show ngayon para ng buffet. Marami ka ng choices. 

“So, taos-puso, sampu ng aming mga kasama, staff, production, the management, TAPE Inc., we warmly welcome and congratulate Tito, Vic and Joey. Congratulations po sa inyo. 

“Ngayon naman, kami rito nila Paolo sampu ng aming mga kasama, sa mga viewer  namin, in our own little way, in a different way, in a different manner, we will try to make your afternoon full of joy and hope. 

“Dahil ang gusto namin, araw-araw sa tanghalian, kasama niyo kami, ang ‘Eat Bulaga.’ Tulong at saya ang handog namin sa inyo.”

Inihalintulad ni Yorme Isko sa isang buffet ang pagkakaroon ng tatlong noontime show, na mas maraming choices ang manonood.

Pero sa kanilang show (Eat Bulaga) ay mga manonood ang panalo at hindi mga host. 

At tinanggap niya ang pagiging host ng Eat Bulaga dahil hatid ng show ang pagtulong at pagbibigay-saya sa ating mga kababayan.

About John Fontanilla

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …