Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gio Cabanlit

Pambato ng Dubai sa Mister International Philippines gustong pasukin ang showbiz

GUWAPO, matangkad, at artistahin ang pambato ng Pinoy Community sa Dubai sa 2023 Mister International Philippines 2023 na si Gio Cabanlit na nagtatrabaho sa Dubai at umuwi pa ng bansa para sa male pageant.

Ayon kay Gio, “Currently i’m working in Dubai as a sports trainer kaya Filipino Community sa Dubai po ‘yung inirepresent ko this.”

Ani Gio, sumasali siya ng pageant para magbigay inspirasyon sa katulad niyang Pinoy OFW. “I want to inspire my fellow OFW that despite of our busy schedule we can always do what we love the most.

“But I think the main reason is because I felt that this could be my last hurrah and this will be the fulfilment of dreams of my previous managers and handlers as well as mine.”

Advocacy ni Gio ay ang ARK (act of random kindness).  At ang lamang niya sa iba para tanghaling 2023 Mister International Philippines ay, “‘Yung experience ko, sa dami na rin ng sinalihan kong pageant. And I think this time mas handang-handa na ako.”

Bukod sa pageant , pangarap din ni Gio na mag-artista.

Kung may offer po kukunin ko po talaga. Kasi matagal na rin naman na gusto kong mag-artista ‘di lang nabibigyan ng chance.”

Kung mabibigyan ng pagkakataong makapasok sa showbiz, ang mga idolo niyang sina John Loyd Cruz at Bea Alonzo ang gusto niyang makatrabaho. (John Fontanilla)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …