Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Richard Gutierrez

Richard Gutierrez totoong Primetime King

HATAWAN
ni Ed de Leon

OKEY lang daw kay Richard Gutierrez na gumawa ng show ulit sa Kapuso Network na roon siya nagsimula. Aba kung iisipin sa

Kamuning naman nagsimula ang kanyang career nang gawin niya ang Mulawin at doon siya sumikat. Labing isang taon din siyang naging bida sa mga top rating series ng network. 

Kung iisipin mo, siya ang totoong Primetime King at nakapagligtas sa GMA noon na medyo tagilid na.

Marami na ring problema ang network at noon nga ay umugong na ring bumili ng majority shares si Manny Pangilinan na siyang may-ari ng TV5 ngayon. Pero bigla ngang nag-rate ang Mulawin, sumipa ang sales nila, at hindi na nila kailangan ang mga bagong investors, kaya hindi na natuloy si MVP sa GMA.

Hindi ba aminado nga rin si Charo Santos na muntik na siyang mag-resign sa ABS-CBN dahil inilampso sila ng Mulawin at wala silang magawa. Umalis lang naman si Richard sa GMA 7 dahil sa naging problema ng syota pa lang niya noong si Sarah Lahbati. Dahil umalis si Sarah, sumama rin si Richard, nagbakasyon sila sa abroad hanggang sa magkaroon na nga ng anak.  Nang bumalik sila, lumipat si Richard sa

ABS CBN. Mali naman ang diskarte dahil hindi siya nabigyan ng magandang assignment agad, tapos nawalan pa ng prangkisa ang network.

Noong mabigyan siya ng magandang serye sa internet na lang at nakiki-block time ang ABS-CBN sa TV5 at ZOE TV.

Eh ngayon may choice pa ba siya, kung gawin man ang project ng ABS-CBN at ibenta iyon sa GMA, ano nga ba ang magagawa niya? Iyang si Richard ang dapat na pinakamalaking star ngayon pero nasayang nang matagal na nawala dahil nag-asawa at nang bumalik naman ay hindi nabigyan agad ng magandang project ng nilipatan. Ang paniwala namin, kung hindi umalis noon si Richard, siya sana ang pinakamalaking star sa ngayon. Pogi, marunong umarte, at napakalakas ng batak sa fans. Napatunayan na niya iyan.

Baka nga kailangan magbalik siya sa Kamuning dahil naroroon ang suwerte niya. Hindi mo rin kasi maiaalis sa isipin ng mga taga-Madre Ignacia na minsan ay nakalaban nila si Richard at iyon ang nagpahirap sa kanila at muntik nang magpataob ng kanilang network.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …