Sunday , December 22 2024
TVJ Showtime

Eat Bulaga maeetsapuwera
TVJ, IT’S SHOWTIME  HIHIGPIT ANG LABAN

HATAWAN
ni Ed de Leon

TANGGAP na ni ni Mavy Legaspi na bigo sila sa kanilang Eat Bulaga. Puwede ba nilang hindi tangapin eh maski na nga ang GMA inaamin nang bagsak sila at gusto na nga silang alisin. Pati ratings kasi at sales ng ibang afternoon series ng network apektado na nang bumagsak ang kanilang noontime slot. Isipin ninyo, iyong dating Eat Bulaga ng TVJ umaabot sa 7%, ngayon sa huling survery bagsak sila sa 3.1 % at tinabunan na sila ng It’s Showtime na may 3.4%. Kaya nga kinuha ng GMA ang Showtime.

Nakahihinayang iyang si Mavy dahil malaks pa naman ang dating sa fans.

Umaasa rin ang GMA Na bagama’t matindi nga ang TVJ sa TV5 kung sa kanila naman ang Showtime at iisiping ang power nila ay 150KW laban sa 40KW lang ng TV5, makukuha nila ang mga sponsor. Kaso

nagpalakas na rin ang TV5 at nagdagdag ng mga provincial relays kaya sinasabi nilang nationwide na rin ang kanilang reach sa ngayon.

Kaya Showtime at TVJ pa rin ang labanan.

Palagay namin sa unang sultada, makakalamang pa rin ang TVJ, dahil titingnan ng mga tao kung ano ang bago sa kanilang show, eh iyong Showtime walang bago, inilipat lang.

Kailangang patunayan ng Showtime na kaya nilang pataubin ang TVJ, dahil kung hindi sa GTV na lang sila, hindi sila makalilipat sa GMA mismo. Iyong TVJ walang kailangang patunayan kundi maabot nila ang pangarap nilang 50 years. Pero para ano pa ba iyon? Iyon lang 44 years nila, world record na iyon sa longest running at pinakamaraming episodes na nagawa. Wala nang tatalo sa world record na iyon. Hawak din nila ang record ng Guiness Book sa pinakamaraming audience roon sa launching nila ng AlDub sa Philippine Arena. Kahit na sabihin ang nakalagay doon ay Eat Bulaga, hindi maaaring angkinin ng mga Jalosjos na sila iyon. Ang kapal naman kung sasabihin nilang sila iyon.

Kung noon pa sila pumasok sa Eat Bulaga ‘di sana hindi na umabot ng 2023 iyon.

Maugong ang usapan na maaaring i-terminate na raw ng GMA ang kontrata

nila sa TAPE Inc., dahil bagsak nga ang ratings niyon at nakaaapeklto sa kanilang network. Kailangang maghanap-hanap na ulit ng bagomg trabaho sina Betong, Buboy, at Paolo, after all sinasabi nilang kaya sila kinuha ang Eat Bulaga ay dahil kailangan nila ng trabaho. Kung hindi saan na naman lilipat sina Betong at Buboy, baka rin hindi na naman magawa ni Paolo ang sinasabi niyang pakakasalan naman niya ang syota niya ngayong si Yen Santos

Basta pinakasalan niya si Yen, as wife na hindi na “as a friend.” At dahil kasal sila susustentuhan na niya kung sakaling magkaka-anak sila, hindi na puwede iyong ipag-iipon niya at ibibigay niya sa anak niya paglaki ng mga iyon.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …