HATAWAN
ni Ed de Leon
ANG usapan naman nila ngayon mukhang nalamangan nga raw ng It’s Showtime ang TVJ dahil hindi naman maikakaila na mas malinis ang digital signal ngayon ng GTV kaysa TV5, na nagpapalakas pa lang ng kanilang signal. Bukod doon ang GMA na siyang may-ari ng GTV ay mas maraming provincial relays na maaaring mapagpasahan ng Showtime. Meaning mas maraming makakapanood sa kanila. Aminado naman ang GMA na kaya nila kinuha ang Showtime dahil iyon ay isang business decision.
Noong mawala ang TVJ, sumadsad na nang husto ang Eat Bulaga, nawala na ang sponsors, at ang masakit para sa GMA, bumagsak din ang kanilang afternoon programming. Natural gagawin nila kung ano ang magagawa nila para makuhang muli ang kanilang sales target, kinuha nila ang Showtime na mas may pag-asang bumenta kaysa Eat Bulaga. Iyan na rin siguro ang ilalagay nila sa mga povincial station nila para hindi bumagsak ang kanilang mga afternoon programs. Wala naman siguro sa kontrata nila sa TAPE na kailangang iyang Eat Bulaga ang nasa provincial stations nila. After all nang magkapirmahan sila ng kontrata wala pa naman ang ganyan karaming provincial stations at affiliates ng GMA. Kung ganoon ang gagawin ng GMA mas malawak ang magiging reach ng Showtime kaysa TVJ. Lamang sila sa dami ng maaabot ng signal nila.
Palagay namin alam din naman iyan ng TV5 kaya nagmamadali silang mabuksan ang mga karagdagan nilang provincial relays, kung hindi baka padapain sila sa urban areas ng GTV. Sa simula’t simula naman eh alam na nilang ang problema ng TV5 ay ang mahinang signal. Kaya noon number 3 lang siyang lagi dahil ang kalaban niya ay dalawang 150KW samantalagng siya ay 40KW lang. Iyong mga kalaban niya kalat na ang provincial stations samantalang sila ay sampu lang. May mga key cities pa ngang hindi sila napapanood dahil hindi abot ng kanilang signal. Pero ngayon naman ay nakahanda na silang lumaban.
Pero habang hindi pa operational ang lahat ng iyan at medyo matagal naman ang set
up niyan, magtitiis na muna ang TVJ sa mas kaunting naaabot ng kanilang signal. Pero mas may chances naman sila kaysa kung nagpalit sila ng format gaya ng ginawa ng bagong Eat Bulaga.
Ang tingin namin diyan sa Eat Bulaga talagang naghihintay na lang ng kamatayan eh. Sa hitsura hindi na talagang makakabangon iyan, kahit na sino pa ang idagdag nilang hosts. Wala nga sa hosts iyan eh, nasa content at sino ba naman ang nakagawian ng tao na nakikita sa tv. Hindi naman iyang mga mukhang iyan. Hindi naman sa pangmamaliit pero kung titingnan mo kasi ang ibang hosts nila, talo pa iyong mga sumasampa sa mga truck na dumadaan sa Isla Puting Bato sa Tondo. Hindi mga mukhang artista eh. Mukhang mga taga-buhat ng sako sa palengke. At hindi sa malaking palengke ha, roon sa Dogonoy.
Tapos natsismis pang pati katulong sa paresan ipinandaya pa at ginawang contestant at nanalo. Sa ganyan nasira ang isang game show noon eh, noong mabuko na ang nananalo pala ng milyon ay mga pala lamang, hindi mga totoong contestant. Hindi nga ba may pagkakataon pang isang direktor ang napaalis sa show dahil ibinuko niya ang isang pala na siya palang naka-schedule na manalo ng P1-M noong araw na iyon. Pero pagkatapos niyon, bagsak ang programa, nabukong mandaraya eh.
Maulit pang minsan ang pgtatanim nila ng contestant, bulagta na talaga iyan. Tumaas na ang kalidad ng mga game show eh, hindi na puwede ang style na parang peryahan.
Sa content at sa audience impact, sigurado kami na panalo ang TVJ diyan. Sa gimmick at signal at sa mas malakas na estasyon, may sundot ang Showtime ngayon. Iyong Eat Bulaga, talagang naghihinglo na iyan. Iyan ang nakikita naming status ng labanan.
Walang duda, may pera ang mga Jalosjos, pero hindi pera lang eh, ilan na ba ang inalok nila ng milyong piso na tumanggi, dahil alam nilang malaki nga ang bayad sa kanila pero malaking kahihiyan naman ang mapasama sa isang show na talunan.
Alam ba ninyo kung ano ang damndamin ng isang sabungerong uuwi ng bahay na may bitbit na manok na kinatay?
Ganoon iyan. Hindi lang ubos ang pera. Tepok pa ang manok. Bakit ka pa nga ba pupusta kung alam mong ang manok mo ay tiyope, ganyan ang dahilan kung bakit kinuha ng GMA ang Showtime. Kahit na sabihin mong hindi Texas at manok Batangas lang, may laban naman kaysa tiyope.
Kung ilalagay pang guest sa Showtime ang malalaking stars ng Sparkle at ang malalaking Kapamilya stars, aba matindi iyan. Eh kung ikaw ba naman ang Sparkle, isasama mo ba kina Betong at Buboy ang malalaking stars mo? Ano ka hilo? Kita momng bagsak na nga.
Iyon ngang spaceship ng Voltes V hindi mo ipahihiram doon eh, artista pa?
At baka murahin sila ng mga artista nila kung ilalagay nila sa Eat Bulaga.