Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jos Garcia

Jos Garcia may sarili ng billboard

MATABIL
ni John Fontanilla

SOBRANG-SAYA ng international singer na si Jos Garcia dahil labas na ang mga billboard ng kanyang ineendosong produkto, ang Cleaning Mama’s ng Natasha.

Kamakailan ay bumiyahe pabalik ng Pilipinas si Ms Jos para pumirma ng kontrata at mag-pictorial sa Cleaning Mama’s at bumalik kaagad ng Japan para sa kanyang shows doon.

Kaya naman nang makarating sa kanya ang kanyang billboard ay sobrang saya ni Ms Jos. “Sobrang nakatataba ng puso na mabigyan ka ng pagkakataon na magkaroon ng billboard, ng produktong ini-endorse mo.

“Kaya nagpapasalamat ako sa may-ari ng Cleaning Mama’s at sa Natasha sa tiwala na kunin akong endorser ng kanilang produkto.

Last year nilibot namin ang Pilipinas para i-promote ang Cleaning Mama’s, ngayon naman labas na ‘yung billboard ko.

“Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil alam ko na siya ang dahilan kung bakit maraming blessings na dumarating sa akin,” pagbabahagi ni Ms. Jos.

Si Ms Jos din ang umawit ng themesong sa pelikulang The Revelation na pinagbibidahan nina Aljur Abrenica, Vin Abrenica, at Ana Jalandoni na idinirehe ni Ray An Dulay at hatid ng Hand Held Productions at House of Prime Films.

Excited na ring bumalik muli ng Pilipinas si Ms Jos para makita ng personal ang kanyang billboard at para mag -romote na rin ng kanyang bagong kanta.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …