MATABIL
ni John Fontanilla
IBA’T IBANG komento ang natanggap ng Kapamilya aktres na si Andrea Brillantes nang i-post nito sa social media ang kanyang mga larawan na kuha sa Toledo, Spain.
Ayon sa mga netizen, marahil ay isa sa paraan ni Andrea ang pagbabakasyon para malimutan ang sakit na idinulot ng hiwalayan nila ng basketball cager na si Ricci Rivero.
Makikita sa mga larawang ipinost ni Andrea ang Santa Iglesia Catedral Primada de Toledo o ang Toledo Cathedral na itinuturing na one of the must-visit place sa Spain. May caption iyong, “Toledo.”
Ilan nga sa naging komento ng mga netizens ang sumusunod:
“Magastos ka mag move on “
“Expensive.”
“Ako hanggang Toledo, Cebu lang.”
“Ang mahal mo mag move on, b HAHAHA.”