Wednesday , February 26 2025
Sephy Francisco

Trans Dual Diva Sephy Francisco pamilya ang rason sa pagtatrabaho 

MATABIL
ni John Fontanilla

BUSY as a bee ang tinaguriang Trans Dual Diva na si Sephy Francisco dahil sunod-sunod ang proyektong ginagawa niya ngayon.

Happy nga si Sephy sa dami ng blessings na dumarating sa kanya ngayong taon.

“Sobrang saya ko sa dami ng blessings na dumarating sa akin ngayong 2023, sunod-sunod ‘yung shows ko hindi lang dito sa Pilipinas pati na rin sa ibang bansa.

“Minsan nga nakakapagod na pero, go lang at kinakaya hangga’t may trabahong dumarating. Mas okey na maging busy ka, kaysa naman tambay ka lang sa bahay, walang kita ,” natatawang wika nito.

Sinabi pa ni Sephy na, “At saka ginagawa ko naman ito not only for myself, kung hindi para sa mga mahal kong pamilya. Sila ang source of strength ko at reason kung bakit ako mas inspired sa pagtatrabaho.

“Kaya nga nagpapasalamat ako sa mga taong naniniwala sa aking talento at patuloy na kumukuha sa akin sa kanilang mga event.”

Ilan nga sa mga naka-line up na shows ni Sephy ngayong taon ay ang mga sumusunod: June 10-12 Tayasan, Negros Oriental (Town fiesta with Boobah); June 15 – Eastwest Bank Dinner Night with Bravo Family; June 16-18 Baguio ( Concentrix Baguio Family Day); June 21-24 Masbate (Bagat Dagat Festival); June 29 Marriott Hotel Pampanga, (NAITAS CONVENTION);  July 30 Masbate.

About John Fontanilla

Check Also

Betong kaisa ng Playtime sa pagpapaalala Maging responsable sa paglalaro

Betong kaisa ng Playtime sa pagpapaalala: Maging responsable sa paglalaro

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “MAGING responsable sa paglalaro. Hindi naman porke andito kami ay para …

Iza Calzado Dimples Romana The Caretakers

Iza at Dimples nasubok katatagan ng pagiging ina

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio BUHAY man kayang isakripisyo ng ina para sa mga anak. …

Baron Geisler

Baron sumisigaw ng hustisya, pagkakulong fake news

MA at PAni Rommel Placente KAUGNAY ng mga balitang  naglabasan tungkol sa pagkakakulong umano ni Baron …

Mami Min nagbabala, fake news pagbabalikan ng KathNiel

I-FLEXni Jun Nardo NAGBABALA ang mother ni Kathryn Bernardo na si Min na mag-ingat sa fake news na nagkabalikan …

Pokwang NBI

Bahay ni Pokwang sa Antipolo ginagamit ng mga scammer 

I-FLEXni Jun Nardo NAPUNDI na ang komedyanang si Pokwang na bahay naman sa Antipolo ang ginagamit para …