Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Poppert Bernadas Regine Velasquez

Poppert Bernadas umiyak nang maka-duet si Regine sa Bitaw

MATABIL
ni John Fontanilla

PARANG nasa cloud nine  si  Poppert Bernadas, alaga ni Ogie Alcasid nang maka-duet ang Asia’s Song Bird na si Regine Velasquez sa kanyang awiting Bitaw.

Kuwento ni Poppert, “Hindi ako makapaniwala after ng recording namin. Umiyak talaga ako pag-uwi ko ng bahay kasi sino ba naman ang mag-aakala na makaka- duet ko si songbird.

“Isa talaga sa tinitingala at hinahangaan kong singer si Miss Regine kaya dream come true at isang napakalaking karangalan.

“Napaka-suwerte ko kasi dream ng lahat ng singers sa Pilipinas na maka-duet siya, and I will be forever grateful kay songbird sa pagpayag niya na makasama ako sa kantang ‘Bitaw.’

Sana ‘pag dumating ‘yung time na mabigyan ako ng pagkakataong magkaroon ng concert ay makasama ko siya at maka-duet.

“Kaya sobrang nagpapasalamat ako sa manager ko na si Sir Ogie Alcasid, kasi siya ang rason kung bakit naka-duet ko si Ms Regine, maraming-maraming salamat sir Ogie,” masayang sabi ni Poppert.

Bukod nga sa busy schedule niya sa promotion ng kanyang single na Bitaw ay makakasama rin siya siya sa musical play na Rama, Hari na mapapanood sa September.

At  ngayong buwan naman ay magtutungo siya kasama ang grupo ni Maestro Ryan Cayabyab para sa isang malaking konsiyerto sa Singapore.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …