Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
JC Alcantara

JC Alcantara puwedeng magmahal ng bading

MATABIL
ni John Fontanilla

MALAKI ang respeto ni JC Alcantara sa mga  member ng LGBTQIA+ community at handa siyang magmahal ng bading kung may taong darating sa kanyang buhay na magugustuhan niya.

Kuwento nito sa isang interview sa kanya, “Kung puwede ngang magmahal ng bakla, magmamahal ako, eh.” 

Hindi naman issue kay JC  ang maging bading sa mga proyektong ginagawa.

“Actually, hindi ako naniniwala sa typecast. Mas gusto ko ‘yung kahit anong project ang ibigay sa akin ay gagawin ko.

“Kasi hindi mo rin naman kailangang mamili, eh, lalo na kung nakatutulong ka sa craft mo. 

“Like ako, nagma-manifest ako ng mga character at nakukuha ko. Nagugulat ako na like sa DonBelle, sa Hello Stranger, tapos drag queen.

“Gusto ko lang siya habang pinanonood ko tapos naa-attract ko siya hanggang sa makuha ko ‘yung projects kaya sobrang grateful ko na bawat wish ko ay natutupad.” 

Mapapanood si JC sa bagong episodes ng Drag You & Me sa iWantTFC, ABS-CBN Entertainment, at Dreamscape Entertainment, kada Biyernes, 8:00 p.m. sa iWantTFC app.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …