Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Piolo Pascual Mallari

Mallari pinakamalaki at pinakamagastos na pelikula ni Piolo

MATABIL
ni John Fontanilla

Ang Mallari ni Piolo Pascual ang pinaka-magastos na pelikula ng Mentorque Productions.

Pag-amin ng producer ng Mentorque Productions na si John Bryan Diamante sa ginanap na mediacon at contract signing ni Piolo sa pelikulang Mallari na ginanap sa Novotel Hotel, Quezon City na pinakamalaki at pinakamagastos na pelikulang gagawin ng kanyang film outfit.

Tatlo ang timeline sa kuwento nito na gagamitan ng prosthetics si Piolo kaya sobrang madugo ang paggawa ng pelikula.

Kuwento ng direktor ng Mallari na si Derick Cabrido, 20 shooting days ang nakalaan para mabuo ang very interesting at kaabang-abang na pelikula.

At kahit nga si Piolo ay sobrang excited na gawin ang pelikula lalo’t first time niyang gagawa ng horror movie.

Ang Mallari ay ipinasok ng Metorque Productions sa Metro Manila Film Festival 2023 na sana ay isa ito sa mapili para sa taunang festival.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …